IPINATAPON na kahapon ng Bureau of Immigration (BI) ang 42 Taiwanese national na sinabing sangkot sa iba’t ibang uri ng cyber crime. Isinakay ang grupo sa Philippine Airlines flight PR-896 patungong Taipei dakong 7:00 a.m. (EDWIN ALCALA)
IPINATAPON ng Bureau of Immigration (BI) pabalik sa kanilang bansa ang 42 Taiwanese national na pawang mga miyembro ng sindikatong cyber crime.
Ang grupo ay isinakay sa PAL flight PR-896 patungong Taipei, pasado 7 a.m.
Bahagyang na-delay ang flight ng eroplano nang tumanggi ang flight crew ng PAL, at idiniing dapat ay ipinasuri muna sa kanilang medical clinic ang isa sa Taiwanese na may sore-eyes, sa pa-ngambang makahawa sa iba pang mga pasahero.
Ayon kay SPO4 Reynaldo Alvaira, isa sa mga escort ng mga Taiwanese patungong Taiwan, ang mga dayuhan ay nahuli noong Hulyo 4 sa kanilang hide-out sa Iloilo.
Ang nasabing sindikato ay sangkot sa telephone fraud, at binibiktima nila ang kanilang kababayang taga-Taiwan, at China.
Kapag may kaso, kunwari ay inaayos nila habang nagpapanggap bilang prosecutors, judges, pulis at opisyal ng anti-money laundering.