Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yeo limitado ang playing time sa Ginebra

INAMIN ng bagong recruit ng Barangay Ginebra San Miguel na si Joseph Yeo na mahihirapan siyang makakuha ng playing time sa Gin Kings para sa darating na PBA season dahil sa daming mga manlalarong kapareho ng kanyang posisyon.

Nakuha ng Kings si Yeo mula sa NLEX kapalit ng isang first round draft pick ngayong taong ito.

Noong huling PBA season ay nag-average si Yeo ng 14 puntos, apat na rebounds at apat na assists upang dalhin ang Air21 sa semifinals ng Commissioner’s Cup.

Nabili ng NLEX ang prangkisa ng Express kamakailan.

Idinagdag ni Yeo na kaya niyang sumabay sa triangle offense ni Cariaso sa Ginebra.

“Okay na man ako sa triangle. Madali naman ako nakaka-adjust lagi ‘paglipat ko sa ibang team like before,” ani Yeo na nagbabakasyon ngayon sa Japan. “Hindi problem sa akin ‘yun. So hopeful I can help them improve as a team.” (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …