AMINADO ang ilang senador na apektado ang kanilang trabaho sa kawalan na presensiya ng kanilang kasamahang nakulong bunsod ng pagkakasangkot sa kontrobersiyal na multi-billion peso pork barrel scam.
Taliwas ito sa katiyakang ginawa nina Senate President Franklin Drilon at Senate majority leader Alan Peter Cayetano na hindi maaapektuhan ang pagpasa nila ng mahahalagang panukalang batas.
Ayon kina Sen. Sonny Angara at Sen. Chiz Escudero, dahil sa pagkakakulong nina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Ramon Revilla Jr., at Sen. Juan Ponce Enrile ay madodoble ang kanilang trabaho. Nabatid na ang committee chairmanships ng tatlong nakakulong na senador ay napunta sa kanilang vice-chairman habang ang pagiging senate minority leader ni Enrile ay napunta kay Sen. Tito Sotto na kanyang deputy.
Habang kasalukuyang naka-sick leave si Sen. Miriam Defensor-Santiago dahil sa stage 4 lung cancer. (NA/CM)