Friday , November 22 2024

Suspension vs Enrile ipatutupad (Tiniyak ng Senado)

Philippine Congress and Senate during a joint session on martial law in Maguindanao

INABISOHAN na ng Senado ang Sandiganbayan na handa nilang ipatupad ang suspension order laban kay Sen. Juan Ponce Enrile na nahaharap sa kasong plunder bunsod ng pagkakasangkot sa kontrobersiyal na multi-billlion peso pork barrel scam.

Magugunitang noong Hulyo 24, 2014 ay natanggap ng Senado ang kautusan ng 3rd Division ng Sandiganbayan, na iniutos ang 90 araw o tatlong buwan suspensiyon laban kay Enrile.

Sa compliance and manifestation ng Senado na pirmado ng chief of staff ni Senate President Franklin Drilon na si Atty. Renato Bantug at isinumite sa Sandiganbayan, nakasaad na agad magiging epektibo ang suspension order laban kay Enrile mula nang matanggap ng kapulungan ang kautusan ng korte maliban na lamang kung maghain ng motion for reconsideration ang akusado.

Magugunitang sa sulat ni Enrile na may petsang Hulyo 30, 2014 na pirmado ng kanyang chief of staff na si Cherbett Karen Maralit, inabisuhan niya ang Senado na maghahain sila ng motion for reconsideration laban sa suspension order ng Sandiganbayan.

Bunsod nito, hindi pa opisyal na suspendido si Enrile bilang senador hangga’t walang pinal na kapasyahan ang anti-graft court sa apela ng senador.

(NA/CM)

TRABAHO NG SENADO APEKTADO

AMINADO ang ilang senador na apektado ang kanilang trabaho sa kawalan na presensiya ng kanilang kasamahang nakulong bunsod ng pagkakasangkot sa kontrobersiyal na multi-billion peso pork barrel scam.

Taliwas ito sa katiyakang ginawa nina Senate President Franklin Drilon at Senate majority leader Alan Peter Cayetano na hindi maaapektuhan ang pagpasa nila ng mahahalagang panukalang batas.

Ayon kina Sen. Sonny Angara at Sen. Chiz Escudero, dahil sa pagkakakulong nina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Ramon Revilla Jr., at Sen. Juan Ponce Enrile ay madodoble ang kanilang trabaho. Nabatid na ang committee chairmanships ng tatlong nakakulong na senador ay napunta sa kanilang vice-chairman habang ang pagiging senate minority leader ni Enrile ay napunta kay Sen. Tito Sotto na kanyang deputy.

Habang kasalukuyang naka-sick leave si Sen. Miriam Defensor-Santiago dahil sa stage 4 lung cancer. (NA/CM)

About hataw tabloid

Check Also

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Bulacan Police PNP

Pulis sugatan sa ops, pagkilala inirekomenda  ni Gob. Fernando

KASALUKUYANG nagpapagaling sa pagamutan ang isang police officer na lubhang nasugatan sa isang police operation …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *