INAMIN ng team owner ng Globalport na si Mikee Romero na may kaunting pag-aalala siya sa magiging negosasyon kay Stanley Pringle kung kukunin ito bilang top pick ng Batang Pier sa PBA Rookie Draft na gagawin sa Agosto 24.
Nalaman kasi ni Romero na nais umano ni Pringle ng mas mataas na suweldo bilang rookie ng PBA na labag sa patakaran ng liga tungkol sa salary cap.
Sa ngayon, P150,000 ang buwanang suweldo ng isang rookie sa PBA.
“Let’s put it this way, our team always abides by the rules of the league. We cannot give somebody something that is beyond the allowable,” wika ni Romero. “I have heard a lot of people say that we’re already locked on Pringle for the top pick. No sir. It can change.
“Even if the coaching staff has already decided on him (Pringle), I can always overrule it.”
Dahil sa pangyayari, pinagpipilian na lang ni Romero sa kahit sino kina Kevin Alas, Garvo Lanete o Bobby Ray Parks bilang top pick sa draft.
Nasa Amerika pa si Parks hanggang ngayon upang mag-tryout sa NBA at sinabi niya na hindi siya magpapalista sa draft.
Sina Lanete at Alas naman ay kinukunsidera para sa bagong koponang itatayo ng MVP Group sa PBA D League na papalit sa NLEX Road Warriors.
ni James Ty III