Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piolo, kailangang mag-ingay dahil papalaos na?

072814 hawak kamay ryan bang Piolo Pascual
ni Alex Datu

TIYAK na nakataas ang kilay ng kilala naming beteranong talent manager cum writer na kakayanin ni Piolo Pascual na sumumpa sa harap ng Diyos na hindi siya bading. Tulad ng pagkaalam nito sa aktor na mapagbiro, minsan nasabi nitong walang sensiridad kausap ang aktor.

Kung sabagay, nang natanong ang aktor kung totoong gusto nito na 20- anyos ang magiging asawa para makabuo ng anim na anak, inamin nitong nagbibiro lang siya as in, slip of the tounge. See!

Sa puntong ito, bakit napag-uusapan muli ang pagkalalaki ni Piolo, dahil ba mayroon siyang on-going teleserye, ang Hawak-Kamay? Kaya, kahit kabadingan isyu sa aktor ay puwede nang pag-usapan ngayon? ‘Di ba noon, umamin ang aktor with matching tears sa The Buzz na hindi siya bakla. Bawal pag-usapan ang nasabing isyu lalo na sa presscon, ipinagbawal noon na ungkatin ang kasarian ng aktor.

Marami tuloy ang nagtatanong kung bakit pumapayag ang Dos na pag-usapan muli ang gay issue ni Papa P kaya naman, may mga haka-hakang papalaos na ang aktor. Kunsabagay, ilan sa mga ineendoso nitong produkto ay iba na ngayon ang nag-eendoso at ito ang iniisip na dahilan kaya nagpaplanong mag-retire ang aktor. But infairnes, hawak pa rin ng aktor ang kanyang trono dahil naging malaking box office hit ang kanyang Starting Over Again. Kaya lang, kailangan talaga mag-ingay ang aktor dahil sa kanyang bagong teleserye. Hence, good or bad, it’s still a publicity!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …