Sunday , November 3 2024

Naunsiyaming DAP projects igigiit ng Palasyo

Philippine Congress and Senate during a joint session on martial law in Maguindanao
DESIDIDO ang Palasyo na ipursige pa rin ang naunsiyaming mga proyektong nakapaloob sa Disbursement Acceleration Program (DAP) kaya’t hihiling sa Kongreso ng supplemental budget para pondohan ito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi na isasama ng Malacañang sa binabalangkas na 2015 national budget, ang mga nasabing proyekto dahil hindi na makapaghihintay pa ang Malacañang na maipasa ang 2015 General Appropriations Act (GAA) sa Disyembre.

“I think a supplemental budget deals specifically with certain matters compared to the national budget where — if you include that again to the national budget, you would still have to wait until December. Hopefully, by December for the signing of the GAA. Whereas, if it’s a supplemental budget which addresses only a certain matter, that can easily be tackled and tutal alam na rin nila kung ano iyong mga concerns na iyon. So mas madaling i-tackle iyon and for that particular reason, we are looking at supplemental budget as a vehicle for moving those projects that have been suspended,” paliwanag ni Lacierda.

Aniya, apat na bahagi lang ng DAP ang idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema kaya ang mga proyektong nakapaloob dito ang nangangailangan ng supplemental budget

“Remember, DAP is constitutional, only four acts were declared unconstitutional. So tinitingnan iyon kung ano iyong mga projects that fall under that that would have to require some form of supplemental budget,” sabi pa niya.

Magugunitang sinuspinde ni Pangulong Benigno Aquino III ang DAP noong Disyembre 2013 at noong nakalipas na buwan ay idineklara itong unconstitutional ng Kataas-taasang Hukuman.

(ROSE NOVENARIO)
DBM Black font Serif
PORK LIKE FUNDS ‘DI LULUSOT SA 2015 BUDGET – DRILON

TINIYAK ni Senate President Franklin Drilon, walang maisisingit na pondo na kahalintulad ng kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel sa paghimay nila ng 2015 national budget.

Inaasahang isusumite na ng Malacañang sa Kongreso ang P2.606 trillion para sa susunod na taon.

Ayon kay Drilon, makaaasa ang taong bayan na walang mapapasamang pork barrel funds sa ipapasang pambansang pondo sa susunod na taon.

Binigyang-diin ni Drilon, mismong ang Senado ang nagbuwag ng pork barrel system kasunod ng deklarasyon ng Korte Suprema na ito ay labag sa Saligang Batas.

“I can assure our people na walang maisisingit doon (2015 national budget) dahil ‘yan ay ipinagbawal na ng Korte Suprema,” ayon kay Drilon.

Ang pahayag ni Drilon ay sa harap ng mga pangamba ng ilang kritiko ng administrasyon na maaaring makalusot pa rin ang pork barrel funds sa pagpasa ng 2015 national budget na itatago lamang sa ibang pangalan. (CYNTHIA MARTIN/NIÑO ACLAN)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *