PINAWI ng Malacañang ang agam-agam ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kaugnay sa naaantalang paghahain ng draft ng Bangsamoro Basic Law.
Magugunitang naiinip na ang ground commanders dahil nade-delay ang paghahain ng panukalang batas.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nais nilang tiyakin sa MILF na nananatili ang commitment ng gobyerno sa pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law.
Ayon kay Lacierda, muling magko-convene ang magkabilang panel para talakayin ang panukalang batas.
Magugunitang sa State of the Nation Address (SONA), inamin ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na hindi pa naisasapinal ang nasabing draft bill.