Saturday , November 23 2024

Masamang cable reception sa MMTC

DALAWANG kabayong mapubliko ang inaasahan ng Bayang Karerista na maghaharap sa darating na panahon. Ito ay si CRUSIS at HAGDANG BATO.

Si Crusis ay tumakbo sa San Lazaro Leisure Park noong araw ng Sabado, Hulyo 26 at si Hagdang Bato ay tumakbo naman ng araw ng Linggo, Hunyo 27 sa parehong karerahan.

Humanga ang Bayang Karerista sa dalawang kabayo matapos nilang mapanood na parehong impresibo ang panalo ng dalawa sa kanilang kalaban.

Parang “Tune-up” lang ang ginawa ng dalawang kabayo para hulaan ng Bayang Karerista kung talagang sino ang mahusay sa kanilang dalawa kung sakaling magharap ang mga ito sa darating na panahon.

KANINO MALALAGAY ANG PUSTA MO ANDY S.

oOo

May bagong kampeon sa Triple Crown Stakes Race ng Philippine Racing Commission. Ito ang KID MOLAVE na nirendahan ng kanyang regular rider na si Jockey J.A.Guce   at pag-aari ni businessman Manny Santos.

Tumakbo sa tatlong karerahan si Kid Molave at ipinakita niya walang maaaring tumalo sa kanya kahit saan gawin ang laban.

Tumataginting ng P1,800.000 ang inuwing premyo ng may-ari ni Kid Molave.

CONGRATULATIONS MR. MANNY SANTOS. IKAW NA!

oOo

Tagumpay na idinaos ang 2014 PRHTAI 3rd Annual Racing Festival noong Sabado at Linggo sa karerahan ng Metro Manila Turf Club, Inc. sa Malvar, Batangas.

Sinuportahan ito ng mga malalaking SAMAHAN na may kinalaman sa Horse Industry dito sa ating bansa.

Tumanggap ng premyo ang mga nanalong horse owner, trainer at pati mga nanalong hinete. Halos lahat lahat masayang umuwi dahil sa kanilang natanggap na cash prize.

Desmayado naman ang mga kareristang nasa mga off-track betting stations at bahay.

Ang reklamo ng mga karerista ang masamang reception ng kanilang cable stations noong araw ng Sabado at Linggo petsa Hulyo 19 at 20.

Ngunit nang magbalik uli ang karera sa Metro Manila Turf Club,Inc. noong Hulyo 24 at 25 ay masama pa rin ang reception ng kanilang mga cable stations.

Maraming karerista ang naiinis o nabuwisit sa nakaraang mga karera sa Metro Manila Turf Club,Inc.

ANO BA TALAGA ANG DAHILAN BAKIT GANITO ANG CABLE RECEPTION NG MMTC?

Pakisagot po ito para sa Bayang Karerista!

oOo

ABANGAN PO NINYO BAYANG KARERISTA ANG PAKARERA NG PRESS PHOTOGRAPHERS OF THE PHILIPPINES INC. SA DARATING NA AGOSTO.

ni FREDDIE M.

MAÑALAC

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *