ni Ed de Leon
HANGGANG ngayon pala, hindi pa tumitigil ang maharot na female star sa pagpapadala ng mga text message sa poging male model na naging ilusyon din niya, kahit na iyon ay hindi naman nagpapakita ng interes sa kanya.
Ang paniwala nga siguro niya, “kung may tiyaga may nilaga”.
Pero ewan ha, kasi ang dami na naman niyang “pinagtiyagaan” wala naman siyang nakuhang nilaga talaga. Kasi hindi mo naman mapipilit iyan eh. Hindi mo naman mabibili talaga ang isang lover kahit na ano pa ang iregalo mo riyan.