Monday , December 23 2024

Kudeta kinompirma ni Trillanes

073114 trillanes pnoy
KINOMPIRMA ni Senador Antonio Trillanes IV na mayroon talagang planong kudeta laban sa administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ngunit palaging nabibigo at hindi nagtatagumpay dahil sa kawalan ng suporta ng mga aktibong miyembro at opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Trillanes hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagtangka ang isang grupo ng mga retiradong miyembro at opisyal ng AFP ngunit palagi silang bigo.

Gayunman, tumanggi si Trillanes na tukuyin kung sino ang kanyang source sa impormasyon.

Binigyang-diin ni Trillanes na totoo ang pahayag ng AFP na walang paggalaw sa kanilang hanay dahil walang nahihikayat ang mga retiradong grupo mula sa mga aktibong miyembro ng AFP.

Sinabi pa ni Trillanes, bago pa man ang State of the Nation (SONA) ni Aquino ay alam na niya ang tangkang kudeta laban sa kanyang adminitrasyon.

Tumanggi rin si Trillanes na tukuyin kung ang grupo ay kaalyado ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at kung may mga politiko mula sa oposisyon na kasama sa grupong bigo sa planong kudeta.

(NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

DESTAB PLOT INISMOL NG PALASYO

BINALEWALA lamang ng Palasyo ang sinasabing tangkang destabilisasyon laban kay Pangulong Benigno Aquino III.

Nag-ugat ang sinasabing destabilization plot nang uminit ang kontrobersiya ng Disbursement Accelaration Program (DAP).

Noong State of the Nation Address (SONA), nagbabala si Sen. Antonio Trillanes kaugnay sa nasabing isyu at pasimuno aniya rito ang mga retiradong heneral.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, walang ganitong pagtatangka at hindi nababahala si Pangulong Aquino.

Ayon kay Coloma, balewala na sa kanila ang mga paninira sa administrasyon.

“There is no imminent destabilization.” The President is not “worried about his detractors,” ani Coloma.

(ROSE NOVENARIO)

SUNDALO ‘DI MADADALA SA SULSOL — AFP

ITINANGGI ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may namumuong destabilization plot sa kanilang hanay laban sa pamahalaang Aquino.

Ayon kay AFP Public Affairs Office chief (PAO) Lt. Col. Ramon Zagala, walang namo-monitor ang militar na planong kudeta sa hanay ng active members ng AFP, partikular ang sinasabing recruitment sa mga sundalo.

Sinabi ni Zagala, malaya ang retired generals na magsalita hinggil sa kanilang mga saloobin at hindi rin sila pinagbabawalan na makisali sa ano mang mga kilos protesta.

Tiniyak ng opisyal na nakatutok ngayon ang mga sundalo sa kanilang mga trabaho at misyon partikular sa pagmantine ng peace and order sa mga lugar na may banta ng rebeldeng NPA, BIFF at Abu Sayyaf.

Kamakailan, puspusan ang pag-iikot ni AFP chief General Gregorio Pio Catapang sa lahat ng AFP major services at iginiit sa mga sundalo na manatiling focus sa kanilang trabaho at huwag makisawsaw sa isyung politika.

KWENTONG BARBERO — SOLON

TINAWAG na koryente, kathang isip at kwentong barbero ni House defense committee chairman Rodolfo Biazon ang ibinunyag ni Sen. Antonio Trillanes IV na bantang destabilisasyon laban sa administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Biazon, dating Armed Forces chief of staff, maaaring palipad hangin o kaya ay alimuom lamang ito.

Aniya, nag-check siya sa kanyang mga contact sa hanay ng mga retirado at aktibong sundalo at nakompirma niyang walang namumuong banta sa Aquino administration. Sa tingin ni Biazon, mayroong nagtagni-tagni ng usapang ito kaya may nakoryente.

Ayon pa sa Muntinlupa congressman, ang pagpapakulo ng isyu ng destabilisasyon ay maaaring may motibong politikal ngunit sana ay hindi ito makalihis ng atensiyon sa mga tunay na usaping dapat harapin gaya ng Bangsamoro Basic Law, K to 12, pagtugon sa epekto ng kalamidad, EDCA at iba pa.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *