Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Happy 26th birthday Liz Villamor

PAGKATAPOS gibain ni Gennady Golovkin si Daniel Geale sa 3rd round noong Sabado sa New York’s Madison Square Garden para mapanatili ang korona sa middleweight, tinatawag na niya ang pangalan ni Miguel Cotto.

Alam naman natin na gumawa rin ng kasaysayan ng boksing si Cotto noong June 7 nang itala nito ang kauna-unahang Puerto Rican na nanalo ng apat na world titles sa magkakaibang weight classes. Tinibag niya si Sergio Martinez.

Pero mukhang hindi mangyayari ang hinihiling niyang unification fight kay Cotto para magkaalaman kung sino nga ba sa kanila ang dapat tanghaling undisputed champion ng middleweight.

Dahil pasok na naman sa eksena si Bob Arum ng Top Rank.

Mas gusto niyang itapat si Cotto kay Canelo Alvarez dahil mas atraktibo raw ang nasabing laban sa pay-per-view.

Mukhang malaki pa rin ang duda ni Arum sa abilidad ni Golovkin pagdating sa paghakot sa PPV.

oOo

Akmang-akma raw si Andray Blatche sa Gilas Pilipinas. Madali siyang nag-jell sa mga players natin.

Tasa nga ng mga miron na nakapanood ng kanilang regular practice sa Miami, Florida—magiging competitive raw ang Team Philippines sa magiging laro nila sa World Cup sa Spain sa August.

Maging si coach Chot Reyes ay halos ganoon din ang pananaw niya sa tinatakbo ng kanilang ensayo kasama si Blatche.

oOo

Happy 26th birthday to LIZ VILLAMOR na magseselebra sa Agosto 1, 2014.   Greetings coming from your Dad, Mommy, Bado Dino & Luz Dino, Bro. Boy & Leo, sis Beth Magno.

Alex L. Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …