ANO man ang ating isabit sa dingding, mula sa mga larawan patungo sa salamin at artworks, ito ay nagpapahayag ng kaugnay sa kung tayo ay nasaan at kung saan natin inilalagay ang ating focus sa kasalukuyan. Kung naghahanap ka ng true love, ikonsidera ang mensaheng inihahatid ng mga dekorasyon sa iyong bahay sa mga bisita (kabilang ang romantic prospects) at sa Universe kaugnay sa inyong intensyong magkaroon ng kasintahan.
Narito ang ilang madali at hindi magastos na Feng Shui steps na iyong maaaring gawin upang mailagay ang iyong focus at intensyon sa paghahanap ng true love, at upang mai-reflect ang intensyong ito sa layout ng iyong bahay at mga dekorasyon.
*Ang artwork ba sa iyong bahay ay kumakatawan sa pag-iisa? Ang larawang ito ay hindi nagpapahayag ng iyong hangaring magkaroon ng relasyon. Kung naghahanap ka ng true love, tiyaking ang mga larawang isasabit sa dingding ay kumakatawan sa pareha o pamilya. Iwasan ang larawan ng single people.
*Pumili ng uplifting artwork. Kung ang pagtingin sa larawan ng ibang magkapareha ay nagdudulot sa iyo ng depresyon at nagpapaalala sa iyo ng iyong kakulangan, magsabit ng landscape photos o still-lifes na iyong ikasisiya. Huwag pipili ng solitary objects na parang “nag-iisa.” Mag-ingat sa pagpili ng landscape photos na may kabundukan. Ang imaheng ito ay maaaring magdulot ng pakiramdam na ikaw ay nahaharangan, habang ang paintings ng dagat at open environment ay nagpapasaya at nagbibigay ng inspirasyon.
*Iwasan ang pagdi-display ng mga larawan o mementos ng ex-boyfriend o ex-girlfriend. Alisin ang kanilang larawan (kahit maayos ang inyong naging paghihiwalay). Hindi mo kailangan ang enerhiya ng nakaraan na maaaring maging pabigat sa iyo sa paghahanap ng true love.
Lady Choi