Sunday , November 24 2024

Britney Spears nagpaseksi sa sariling lingerie

073114 britney spears

KUNG ngayon pa lang ay hinahagilap na kung saan makabibili ng latest na pabango ni Britney Spears, tiyak na magiging inte-resado sa balitang ito: maglulunsad ang pop singer ng sarili niyang lingerie line.

“Coming very soon . . . Ang Intimate Collection, by yours truly,” tweet ni Britney sa link sa kanyang bagong website. Nag-post din siya ng kanyang seksing larawan: “Just a peek at what’s to come. Xo”

Ilulunsad ng 32-anyos na singer ang bagong venture sa Estados Unidos at Canada sa Setyembre 9, 2014.

“Ang bawat babae ay dapat makaramdam ng kom-piyansa na maganda siya sa lahat ng kanyang sinusuot,” pahayag ni Britney. “Ang aking vision para sa The Intimate Britney Spears ay makalikha ng mga piyesa na tunay na sexy, luxurious, and komportable.”

At affordable rin!

Ang pinakamurang item ay sinasabing nagsisi-mula sa US$17 lang, at ang pinakamahal ay nasa US$79. Habang ito ang kauna-unahang beses na pumasok si Brit sa mundo ng lingerie, pamilyar naman siya sa pagba-brand ng kanyang sarili.

Una rito, inianunsyo ng celebrity entrepreneur na maglulunsad siya ng isa pang pabango, ang kanyang ika-16 na perfume simula nang lumabas sa merkado ag Curious noong 2004.

May duda kaming very supportive na fan naman ang boyfriend ni Britney na si David Lucado sa kanyang bagong ‘intimate’ venture.

Kinalap ni Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *