UMANI ng suporta sa publiko ang pagiging emosyonal ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino
III sa State of the Nation Address (SONA) kamakalawa lalo nang banggitin ang mga katagang
nabanggit na rin ng kanyang ama.
Ayon kay Prospero “Popoy” De Vera, UP Vice-President for Public Affairs at isang
political analyst, hindi sinasadya at hindi scripted ang binitawang salita ni Aquino kaya
umani ng simpatiya mula sa publiko.
Gayunman, hindi aniya makabubuti sa publiko ang estilo ng Pangulo o ang laging
pagpapasaring sa mga kritiko at mistulang sinasabi na siya lang ang tama at mali ang
lahat ng mga kritiko.
Aniya, imbes pagtuunan ng pansin ang mga simpleng bagay at dapat binigyan na lamang niya
ng pansin ang iba pang mahalagang isyu gaya ng Freedom of Information bill na posible
aniyang apektado ng politika.
Habang ayon kay Clarita Carlos, isa rin political analyst, hindi nabanggit ng pangulo ang
patungkol sa Asean Integration na gaganapin sa 2015.
Nakukulangan din siya sa estratehiya ng gobyerno sa pagtugon sa mga problema at tanging
ang figures lang ang ipinakita sa SONA.
Nag-aalala rin ang mga analyst na baka maraming proyekto ang hindi matatapos ng pangulo
sa pagtatapos ng kanyang termino at maging ang Bangsamoro Law ay mahirapan din siyang
isulong.
Gayon man, pinuri ng dalawa ang pangulo, lalo na’t hindi niya binanggit ang
kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) at kailangan niyang ipakita na
wala na talagang pondo ang mapupunta rito sa susunod na taon.
(HNT)
BATIKOS SA EMOTIONAL SONA NI PNOY UNFAIR — LACSON
TINAWAG na “unfair” ni Rehab Czar Secretary Panfilo Lacson ang mga bumatikos sa
paggaralgal ng boses ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III habang nagtatalumpati,
iginiit na bahagi ito sa script ng pangulo.
Depensa ni Lacson, hindi biro ang humarap sa dalawang daang kongresista, mga senador at
nasa mahigit P100 milyong Filipino.
Giit niya, siya ay naniniwala na layon ng pangulo na mabigyan nang kaukulang tulong ang
mga kababayan nating biktima ng sakuna at kalamidad.
Ngunit ilan sa mga dumalo sa SONA ay naniniwala na gusto lamang ng pangulo na makakuha ng
simpatiya dahil sa umiinit na isyu ng DAP at ang paghahain ng kaliwa’t kanang impeachment
complaint.