ni Vir Gonzales
NAKAAAWA si Piolo Pascual dahil tuwing may teleseryeng ipalalabas, laging ang ukol sa beki ang ibinabato sa kanya. Pinipilit siyang magsalita gayung nasabi na niya lahat from a-z.Mahirap din ang sikat, pilit inilalaglag. Hindi man kami close sa manager ng actor, ipinagtatangol namin si Piolo dahil isa siya sa pinaka- marespetong artista.
No wonder pilit siyang inilalaglag ng mga detractor.
Wala na bang ibang topic na puwedeng itanong ang mga nang-iintriga?
Sa totoo lang nakakasawa na rin ang mga paulit-ulit na katanungan tungkol sa beki. Wala namang sense at pakinabang na mapapala. Itutok na lang sa bagong serye niyang Hawak Kamay.
Masuwerte ang babaeng mapapangasawa ni Piolo, nakatitiyak na ng security at hindi na kailangan magpuyat sa taping. Kaso, no showbiz girl yata ang type ng actor.