Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marjorie at Julia, lumipad ng London para makaiwas sa bashing?

 

ni Ronnie Carrasco III

KUMBAGA sa mga pagkaing mayaman sa transfat o cholesterol, for now, tapyasin muna ng showbiz ang literal na nakauumay at paulit-ulit na mabilbil na isyu involving Claudine Barretto.

Lately, the spotlight has been snatched by Claudine’s niece Julia na ayon sa mismong abogado nilang mag-ina ay nais na rin ng batang aktres na huwag nang gamitin ang apelyidong Baldivia (her father Dennis Padilla’s real name) in all her legal documents.

Nakadagdag pa sa simpatya ng publiko towards Dennis ang guesting nito sa Startalknoong July 12 (ang inyong lingkod was the writer in charge of the segment).

Ang sumunod, the cyber critics were at it again.

Sa halip kasi na maunawaan ng publiko ang kampo ni Julia, like a farmer who sowed a bad seed, Julia also reaped what grew out of it:  lahat ng mga negatibong reaksiyon from parents and children alike.

Worse, umabot na ‘yon sa pagkukompara kina Dennis at Marjorie Barretto as the rightful and deserving parent to Julia.

Now, the object of social media bashing has shifted from Julia to Marjorie!

Daig pa pala ng mga netizen na ito kaming mga showbiz reporter o gossip writers. Without naming names, mas pinapaboran nila si Dennis sa isyung ito dahil umano sa pagkakaroon ng illicit affair ni Marjorie.

With whom, huwag na tayong mag-enrol pare-pareho sa ”Maang-maangan School of Acting,” ‘no!

Sa ngayon, nasa London ang mag-inang Marjorie at Julia amidst all this brouhaha. Ayaw naming isipin na sinadya ng mag-ina ang planong bakasyon para makaiwas sa paghaharap-harap nila ni Dennis na iniskedyul na ng Star Magic aimed to resolve their family conflict.

Habang isinusulat din namin ito, hindi pa naaaprubahan ng korte ang hiling ni Marjorie na ipatupad ang gag order.

As it is now, ang mas inaabangan namin ay ang pagdating ng mag-ina from London: like its bridge that’s falling down—ayon sa isang nursery rhyme—bumagsak din kaya ang kasong ipinaglalaban ni Marjorie para sa anak?

In Dennis’s words, muhang may laban daw siya sa kanyang ipinaglalaban, that is, ang gamitin pa rin ni Julia ang apelyidong Baldevia in all her official and legal documents.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …