NABUO na bilang bagong bagyo ang sama ng panahon na namataan sa silangang bahagi ng
bansa.
Ayon kay Pagasa forecaster Connie Rose Dadivas, binigyan nila ito ng local name na Inday
nang pumalo sa 55 kph ang taglay na hangin.
Ngunit hindi ito inaasahang tatama nang direkta sa alinmang bahagi ng lupa.
Gayonman, palalakasin nito ang hanging amihan na maaaring magdala ng mga pagbaha at
pagguho ng lupa.
Kahapon ng tanghali, nakataas ang rainfall warning sa Bataan, Bulacan, Zambales, Rizal at
Cavite.
(HNT)