Sunday , November 24 2024

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 46)

BUKOD SA KOTONGAN AKTWAL NA NAKITA NINA LUCKY ANG HOLDAPAN SA DIVI …

“De-baril na buwaya” ang dinig kong itinawag sa lalaking ‘yun ng isang tindero.

“Kolek-tong” ang pabulong na sabi ng nakasimangot na tindera.

Hindi ko alam kung pulis o hindi ang lala-king lawlaw ang tiyan. Papasok na kami nina Jay at Ryan sa bungad ng tapsilogan nang biglang magkaroon ng komosyon sa dakong pinanggalingan namin. Kasunod niyon ay sigawan at pagkakagulo ng mga tao.

“Holdaper!” ang walang tigil na isinisigaw ng isang ginang na umiiyak. “Pulisss!”

Pinanood namin nina Jay at Ryan na parang syuting ng isang pelikula ang eksena ang paspas na pagtakbo ng holdaper. Sa dami ng taong naroroon ay walang isa mang mangahas na humarang sa daraanan nito. Bulung-bulungan ng mga miron sa tabi ko na pihong armado o may alalay raw na kasapakat kaya walang gustong pumapel na bida sa nagaganap na eksena.

Biglang sulpot ang lalaking tila buntis ang tiyan, mabilisang nagbunot ng baril sa baywang at saka itinutok sa holdaper na sinalubong sa bangketa.

“Pulis ako… Taas ang kamay kung gusto mo pang mabuhay!” anitong nakaumang ang dulo ng baril sa ulo ng holdaper.

Kaya lang, nang lalapitan na ng lalaking nagpakilalang pulis ang holdaper na nagtaas ng dalawang kamay ay nakatapak ito ng balat ng saging. Sa pagkadulas ng isang paa ay nawala ang balanse nito at muntik nang mapaupo sa semento. Nagkaroon tuloy ng buwelo na makatakbo ang dinarakip na masamang-loob.

Pero maagap na nakapormang muli ang nakadamit-sibilyan na pulis. Inasinta nito ng baril ang patakas na holdaper. Kinalabit ang gatilyo ng baril. Klik! Isa pa uling kalabit. Klik… At puro “klik” na lamang ang nangyari.

Nakatakas tuloy ang holdaper.

Napakamot sa batok ang nakadamit-sibil-yan na pulis.

“Ano’ng problema?” bungad ng unipormadong pulis paglapit sa kabarong nakadamit-sibilyan.

“N-nag-jam ‘ata, Kap… Ayaw pumutok kahit kinalabit nang kinalabit ko ang trigger,” anito sa opisyal na sinaluduhan.

(Itutuloy

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *