Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Binyag ng anak ‘di matutuloy ama nagbigti

NAGBIGTI ang isang construction worker nang walang maipon na pera para sa binyag ng

kanyang anak sa Dasol, Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si James Carlit Centino Laureano, 34, residente sa Sitio

Salabusuban, Brgy. Magsaysay ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, natagpuan ng misis ng biktima ang bangkay ni Laureano habang

nakasabit sa tabla ng bubong sa terrace ng kanilang bahay.

Ayon sa misis ng biktima na si Gina Bagonia-Laureano, bago ang insidente ay nakipag-

inoman ang kanyang asawa sa dalawang kompare sa Brgy. Bayambang, Infanta, Pangasinan at

naikuwento na hindi matutuloy ang binyag ng kanyang anak sa Agosto 3 dahil wala siyang

naipong pera.

Nakadagdag pa sa problema ng biktima na mawawalan na siya ng trabaho dahil kasama siya sa

tatanggalin sa katapusan ng Hulyo.

Dagdag ng ginang, madalas idaing ng kanyang mister na nahihirapan na siyang maghanapbuhay

bilang construction worker para sa pagkain ng kanilang apat na mga anak at baka hindi

maitaguyod ang kanilang pag-aaral dahil hindi sapat ang kanyang kinikita.

Ilang beses na rin aniyang nagpaalam ang biktima na magpapakamatay.

(JAIME AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …