LITERAL na hinimatay ang isang aso nang muling makita ang kanyang amo makaraan ang dalawang taon.
Mahigit 16 milyon katao na ang nakapanood sa video ng asong schnauzer na si Casey nang muli silang magkita ng kanyang amo na si Rebecca Ehalt.
Mapapanood sa video ang pagtakbo ni Casey patungo kay Mrs. Ehalt na umuungol sa sobrang tuwa, bago unti-unting humandusay.
Agad nakabangon ang aso at naging mahinahon makaraan ang matinding pagkatuwa.
Si Mrs. Ehalt ay nanirahan sa Slovenia at dalawang taon na hindi bumalik sa Murraysville, Pennsylvania. (ORANGE QUIRKY NEWS)