Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aljur, may attitude kaya pinalitan ng isang clothing brand

072614 Aljur Abrenica

ni Roldan Castro

USAP-USAPAN ngayon na isa umano sa idinadahilan ni Aljur Abrenica ng pagrerebelde saGMA Artist ay ang pagkakansela ng kanyang kontrata sa isang clothing brand sa bansa.

Hindi umano inasikaso ang launching  niya at noong nakaraang photo shoot, ini-request niya sa kausap sa GMA Artist na dalhin ang tatlong  underwear para makita niya kung saan siya komportable pero hindi dumating. Tapos, sinabihan na raw siya na mag-pictorial na. Siyempre, nag-react si Aljur.

Sabi naman ng isang source na nakausap namin, bakit daw isisisi sa  GMA Artist samantalang kasalanan umano ni Aljur  kung bakit nawala  siya sa naturang clothing brand. Baka lumabas daw ang tunay na rason kung ‘yan ang pinalalabas niya.

Rati raw ay may nagawa na raw kapalpakan si Aljur sa nasabing produkto pero hinilot ng GMA Artist. Binigyan daw siya ng second chance. Pero itong huli, ang head na umano ng naturang clothing brand ang nagdesisyon na palitan na siya dahil naubos na ang pasensiya nila.

Ayon sa isang blind item na lumabas, may attitude umano si Aljur. Hindi na ma-take umano ng mga boss ng naturang produkto ang  kayabangan at sobrang pagpapaimportante nito sa sarili?

True kaya ito? Bukas ang panig ni Aljur sa ikalilinaw ng isyu.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …