Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden Richards, poor second lang ng actor sa GMA Network (Si Aljur Abrenica lang ang may “K” para sa titulong “Primetime Prince” )

072614 alden aljur
ni Peter Ledesma

Nang mag-file ng kaso si Aljur Abrenica against sa kanyang mother network na GMA para sa pagpapawalang-bisa sa kanyang kontrata. Alam na ng actor kung ano ang magiging consequen-ces kapag ginawa niya ito na bibirahin siya ng mga PRO ng Kapuso network at ng mga reporter na ma-dalas maimbitahan sa tipid na Presscon ng estasyon. Pero para kay Aljur ang kalayaan lang niya ang ta-nging hangad dahil di na nga siya masaya rito. Bakit pipilitin pa kasing mag-trabaho ng isang talent kung ayaw na sa inyo. Ilan pala sa mga bagay na binabatikos ngayon sa guwapong actor ang kawalan niya ng utang na loob na expected mo na dahil paulit-ulit ‘yang sinasabi sa mga artistang lumilipat ng ibang network. Grabe rin kung punahin nila ang acting ni Aljur na para bang ‘yung mga nagsulat ang huhusay umarte saka pwede ba huwag niyong ipi-nagmamalaki ‘yang Alden Richards n’yo. Dahil pagdating sa achievements ay walang-wala siyang binatbat kay Aljur. Saka pwede ba huwag n’yong bigyan ng ilusyon si Alden na siya na ang bagong “Primetime Prince.” Para kay Aljur lang ang titulong ‘yan at wala nang iba pang pwedeng umagaw nito sa kanya. Ang hirap sa inyo, ang alam n’yo lang ay hambalusin ‘yung tao sa mga kolum n’yo at wala kayong pakialam sa nararamdaman niyang hindi pagrespeto at pambabatos sa kanya ng GMA. Mga linta at sipsip gyud!

MATINDI MAN ANG BAGYO, FANS SUMUGOD SA SHOW NI CLAIRE DELA FUENTE SA PAGCOR CASINO, BACOLOD

Mabuti na lang at isang araw bago tumama ang bagyong Glenda, sa ating bansa kung saan kinabukasan July 12 ay schedule na ng special show ni Ms. Claire dela Fuente sa PAGCOR Casino, Bacolod. Nasa Bacolod na si Claire nang ru-magasa ang malakas na hangin at ulan dulot ni Glenda. Panay nga raw ang dasal ng Viva Recording Artist(Claire) na sana kahit may bagyo ay tauhin naman ang kanyang show. Naghanda pa naman siya ng mga bagong kakantahin sa mga suki ng nasabing malaking casino sa Pinas. At presto nagdilang-anghel ang amiga naming Diva dahil dinumog ang kanyang show na majority ay die-hard niyang mga tagahanga since 80s. Tinao rin ‘yung mga ginawa niyang concert, sa PAGCOR Balibago, Angeles Pampanga last July 19 at noong July 26 sa PAGCOR Cebu na pinagkaguluhan talaga ang singer businesswoman/talent manager ng mga kabalen at bisayang fans. Magtatapos naman ang series of shows ni Claire sa PAGCOR Manila Pavilion tonight, July 30. Yes dumaan man ang maraming taon, hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga kumukupas ang isang Claire dela Fuente. Paano, inalagaan naman kasi nito ang kanyang singing career at kita n’yo naman successful din siya sa pagma-manage ng mga artistang tulad ng mga Kapamilya star na sina Meg Imperial at Yam Concepcion etc. By the way, hanga at bilib pala ang AVP For Entertainment ng Pagcor na si Sir Bong Quinta sa pagiging class performer at bankable artist ni Ms. Claire. Sabi pa nito napatunayan na ng na-sabing Diva ang kapasidad para humatak ng manonood. Bilang performer ay beterano na sa entablado. Kaya naniniwala sila na mag-e-enjoy ang mga tao sa kanyang shows. Very well said gyud!

SUFFER SIREYNA GRAND FINALS, KAABANG-ABANG NGAYONG SABADO SA EAT BULAGA

Pagkatapos ng matagumpay na grand finals, ng Super Sireyna Worldwide na ang Miss Nigeria na si Sahhara ang nagwagi bilang first titlist sa nasabing International Gay Beauty Pageant sa Eat Bulaga.

Ngayong Sabado tiyak na riot ang mangyayaring grand finals para sa kauna-unahang Suffer Sireyna 2014. At kabilang sa 10 Grand Finalists na maglalaban-laban para sa iiisang title na mag-uuwi ng premyong 200 K ay sina Miss China Marian Rivera, Miss Myammar Sam Pinto, Miss Czech Republic Marian Rivera, Miss Chili Georgina Wilson, Miss Malaysia Marian Rivera, Miss Norway Pia Guanio, Miss India Isabelle Daza, Miss Angola Georgina Wilson at another Marian Rivera na si Miss Japan. At malaking puntos para sa magwawaging Suffer Sireyna ay ang naipon nilang plastic bottles at kung sino ang may pinaka mabigat na timbang ay siyang malaki ang chance na makuha ang korona sa araw na ‘yun. Gaganapin sa Broadway Studio ng Eat Bulaga ang nasabing finals, kung saan inimbita ng programa ang mga popular sa kani-kanilang mga larangan para magsilbing judges sa event.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …