SIBAK sa pwesto ang jail warden at duty jailer ng detention cell ng Taytay, Rizal
Municipal Police Station nang matakasan ng limang preso nitong Lunes.
Napag-alaman, palihim na nakuha ng isang menor-de -edad ang susi ng padlock sa selda
makaraan libangin ang mga bantay, kaya nakapuga ang mga presong sina Florendo Ocampo, 36;
Henry de Leon, 28; Christian Lipar; Jonathan Ruiz at isang menor-de-edad.
Agad sinibak ang jail warden na si SPO1 Federico Pampuan, at duty jailer na si PO2 Manuel
Fang-Asan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, habang nasa loob ng investigation room si Fang-Asan, pumasok
sa opisina ang isang menor-de-edad saka kinuha ang duplicate keys ng selda.
Dakong dakong 5 p.m. nang madakip ang tatlo sa mga tumakas sa Sitio Mabuhay, Brgy.
Pantok, Binangonan, habang sumuko ang isa sa kanila, pawang may kasong droga at attempted
murder.
Samantala, patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa isa pang preso na si Lipar, may
kasong paglabag sa RA-8294 o illegal posession of firearms. (BETH JULIAN/ED MORENO/MIKKO
BAYLON)
8 PRESO PUMUGA SA QUEZON, 1 ARESTADO
NAGA CITY – Isa ang muling naaresto ng mga awtoridad sa walong mga bilanggo na tumakas sa
kulungan sa bayan ng Gumaca sa lalawigan ng Quezon.
Ayon sa ulat ni PO1 Danyes, walong inmates ang tumakas mula sa Gumaca District Jail.
Kabilang sa mga tumakas sina Arguelles Mergenio Florante, may kasong Murder; Freddie
Ordiales Nicul, murder; Joseph Hulaton Alvares, R.A.6539; Zeus Repia Nierva, robbery;
Joel Cabardo Senosin, frustrated murder; Anthony Garcia Revilla, murder; Gerald De la
Cruz, robbery/murder), at Alejandro Pacuan Villa, attemped murder.
Kinompirma ng PNP-Gumaca na nahuli na ang puganteng si Alejandro Pacuan Villa. Nabatid sa
imbestigayon, dakong 1 a.m. kahapon nang tumakas ang mga preso matapos lagariin ang rehas
ng kanilang selda.
(RAFFY SARNATE)