NAGHAIN ng resolusyon ang oposisyon sa Senado para mapigilan ang paglilipat sa mga
nakalulong na senador mula sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame.
Sa kanilang Senate Resolution 798, hiniling nina Sen. Tito Sotto at Sen. Gringo Honasan
na huwag mailipat sina Sen. Juan Ponce Enrile, Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Ramon Revilla
sa Camp Bagong Diwa sa Taguig habang nililitis ang kanilang kaso.
Ito ay para magkaroon sila ng mga pasilidad at mabigyan nang sapat na espasyo at
maipagpatuloy ang kanilang mandato bilang mga senador na ibinoto ng taumbayan.
Nananatili anilang inosente ang mga senador hangga’t walang pinal na ruling ang korte
batay na rin sa Section 14 Article 3 ng Saligang Batas.
Ang tatlo ay nahaharap sa kasong plunder sa Sandiganbayan dahil sa sinasabing pagkuha ng
kickbacks sa kanilang pork barrel.
Una nang naghain ng petisyon ang prosekusyon sa Anti Graft Court na mailipat sa Camp
Bagong Diwa ang tatlo dahil hindi bilangguan ang four room bungalow sa Kampo Crame kundi
barracks ng Custodial Service Unit ng PNP. (CYNTHIA MARTIN/NIÑO ACLAN)