Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trillo susubukan ang Triangle Offense sa Meralco

BALAK ng bagong assistant coach ng Meralco na si Luigi Trillo na tulungan ang head coach ng Bolts na si Norman Black sa paggamit ng triangle offense sa koponan.

Hinirang ng Meralco si Trillo bilang isa sa mga bagong assistants ni Black na pumalit kay Ryan Gregorio sa paghawak ng Bolts para sa bagong PBA season.

Galing si  Black sa Talk n Text at pinalitan siya ni Jong Uichico sa Tropang Texters.

“I have the background in the triangle (offense) and hopefully, I can help,” wika ni Trillo.

“I think seeing coach Norman, he wants Meralco to be in the best possible position to be successful and I’m just honored to be part of the team.”

Bukod kay Trillo, mga assistants din ni Black sa Meralco ay sina Ronnie Magsanoc, Patrick Fran, Xavier Nunag at Gene Afable.

Si Trillo naman ay pinakawalan  ng Alaska sa kalagitnaan ng PBA Governors Cup noong Hunyo at pinalitan siya ni Alex Compton sa paghawak ng Aces.

Bago siya napunta sa Meralco ay naging TV commentator si Trillo para sa PBA sa TV5.

”When Norman and I talked, he was looking to strengthen his bench further after losing Sandy (Arespacochaga) to NLEX. And since Luigi was available, we talked to him and asked him if he would be interested to join us,” ani Al Panlilio ng MVP Group. “Luigi thought the values of the (MVP) group was aligned to his so he and Norman spoke.”

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …