Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Taulava nais magretiro sa NLEX — Reyes

NANGAKO si Asi Taulava na ang North Luzon Expressway ay magiging huli niyang koponan sa kanyang paglalaro sa PBA.

Nasa Amerika si Taulava ngayon upang magbakasyon ngunit ayon sa kanyang ahenteng si Sheryl Reyes, babalik ang beteranong sentro sa katapusan ng buwang ito upang makipag-usap sa kampo ng Road Warriors.

Nakuha ng NLEX ang prangkisa ng Air21 noong isang buwan.

Mapapaso ang kontrata ni Taulava sa Express ngayong buwang ito.

“Asi’s rights is with NLEX because of the changes (sa prangkisa). Though we thought he’s (Taulava) gonna retire with Air21 because he already declared that also,” wika ni Reyes.

Nag-average si Taulava ng 14.7 puntos at 12.3 rebounds para sa Air21 noong huling PBA season nang dinala niya ang Express sa semifinals ng Commissioner’s Cup bukod sa pagiging  miyembro ng PBA Mythical Five.

Dating manlalaro si Taulava ng Talk n Text na sister team ng NLEX.

“Because of the circumstances, it’s like they are putting him where he began. And it’s not a problem to retire with them (MVP group), because it’s like destiny. Nobody really knew it’s gonna happen, kaya dun din bagsak namin,” ani Reyes.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …