Tuesday , November 5 2024

Sukat na sukat ni Dunoy

Sukat na sukat ng hineteng si Dunoy Raquel Jr. ang kanyang pagdadalang nagawa sa kabayong Love Na Love para sa distansiyang pinaglabanan sa naganap na “Hopeful Stakes Race” nitong nagdaang Sabado sa pista sa pista ng SLLP sa Carmona, Cavite.

Sa alisan ay nauna sila sa lundagan hanggang sa unang kurbada, subalit sa takot ng kanyang mga kalaban na baka makalayag sila ay agaran na nagsigalawan ang maagang nakabuntot kay Love Na Love. Sa pagkakataon na iyon ay bahagyang umawat si Dunoy sa ibabaw at ipinaubaya muna ang unahan kina Marinx, Great Care at Real Lady.

Pagdating ng medya milya ay nagsimula nang gumalaw si Dunoy sa kanyang dala at agaran namang nagresponde si Love Na Love, kaya muli siyang nakalapit sa tatlong nauuna.

Pagsungaw sa rektahan ay nagkapantayan sa harapan sina Marinx at Love Na Love, subalit sa ganda ng puwesto nina Dunoy at natitirang lakas ay nasungkit nila ang tampok na pakarera ng may kalahating katawang agwat laban kay Marinx ni Jesse Guce.

Naorasan ang nasabing laban ng 2:11.2 (25-24-26’-26’-28’) para sa mahabang distansiya na 2,000 meters. Sa panalong iyan ay binabati ko ang may-ari kay Love Na Love na si Ginoong Hermie Esguerra at Dunoy Raquel Jr.

Fred L. Magno

About hataw tabloid

Check Also

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Milo Gatherings of Champions

PSC, POC, DepEd pinarangalan sa Gatherings of Champions

TAPAT sa kanyang pangako sa pagbuo ng isang bayan ng mga kampeon, ipinagdiwang ng MILO® …

Ricielle Maleeka Melencio Go Full Speedo

Melencio nanguna sa MOS awardees ng PAI-Speedo Swim Series 2

NANGIBABAW si Ricielle Maleeka Melencio sa dalawa pang event para dalhin ang kanyang kabuuang gintong …

Nicola Queen Diamante

Diamante, Melencio, Evangelista namuno sa ‘Go Full Speedo’ Swim Series 2

NATAMO ni Nicola Queen Diamante ang gintong medalya sa 50-meter butterfly sa girls’ 14 years …

TOPS Manilas Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

Manila’s Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

SANIB PUWERSA ang Antigong Maynila, Inc. at New Manila’s Finest Retirees Association, Inc. (NMFRAI) para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *