Friday , November 22 2024

SREAT ng Silangan Nat’l High School dinodoktor (Anomalya pinaiimbestigahan sa CSC)

HINILING ng isang grupo sa Civil Service Commission (CSC) ang imbestigasyon hinggil sa sinasabing katiwalian ng mga empleyado ng Silangan National High School sa Brgy. Silangan, San Mateo, Rizal.

Sa reklamo ni Eduardo O. Aguilar, chapter coordinator ng Samahang-Grupong Bantay Mamamayan (SGBMI) Inc., sa tanggapan ni Sec. Francisco T. Duque, chairman ng CSC, may erroneous at incorrect data sa Secondary Report on Enrolment and Assignment of Teachers (SREAT) ng Silangan National High School para sa school year 2014-2015 na isinumite sa Division Office ng Department of Education (DepEd) ni Alfredo D. Lopez, principal ng nasabing pampublikong paaralan.

Sinabi ni Aguilar, sa kanilang beripikasyon, ang entry ng nasabing SREAT ay hindi nag-tally sa actual number ng mga estudyante sa bawat silid-aralan.

Aniya, dahil pormal nang naisumite sa Division Office ng Department of Education sa Taytay, Rizal, ang nasabing SREAT ay naging official document na ng DepEd.

Sa inisyal aniyang imbestigasyon, nabatid na si Marilyn B. Borejon, Math IV LIS/EBEIS teacher, ang naghanda at nagsumite ng nasabing erroneous SREAT sa DepED batay sa utos ni Lopez.

Inamin ni Borejon sa ilan niyang mga kapwa guro na siya ang nagmanipula (enrolled and unenrolled) sa data ng Learning Information System (LIS) sa pamamagitan ng pagbubukas sa user’s name at account nang walang pahintulot ng user sa kabila na ang data account ay may password.

Ang nakaaalarma aniya, ang nakalistang mga estudyante sa masterlist ay hindi ang aktuwal na naka-enroll sa nasabing paaralan.

Diin ni Aguilar, ang kanilang grupo, na accredited Citizen Graft Watch ng Office of the Ombudsman, ay nangangamba sa intensyon ng nabanggit na mga opisyal ng paaralan sa pagsusumite ng “untrue, incorrect and false” school enrolment report.

Dagdag ni Aguilar, ang assignment ng teaching loads ay hindi parehas ang pagbabahagi sa mga guro.

Aniya, ang ilan na sinasabing malapit sa principal, ay binigyan nang hindi mabigat na load sa kanilang pagtuturo.

Bunsod nito, inirerekomenda ng grupo sa CSC ang pagsasagawa ng fact finding investigation sa nasabing nakaaalarmang ulat na ito.

About hataw tabloid

Check Also

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Bulacan Police PNP

Pulis sugatan sa ops, pagkilala inirekomenda  ni Gob. Fernando

KASALUKUYANG nagpapagaling sa pagamutan ang isang police officer na lubhang nasugatan sa isang police operation …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *