Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

She‘s Dating The Gangster, kombinasyon ng drama, kilig, comedy, at action!

072914 kathniel Gangster
ni JOHN FONTANILLA

HINDI ako mahilig manood ng Tagalog movies pero na-curious ako na panoorin ang She‘s Dating the Gangster dahil na rin sa nakikita kong grabeng haba ng pila nito sa mga SM Cinema—kumbinasyon ng bata, matanda, teenager, lalaki, babae, bakla, at tomboy—at sa magagandang reviews ng mga nakapanood na.

At hindi naman nasayang ang panonood ko sa pelikulang ito na idinirehe ng blockbuster director na si Ms. Cathy Molina dahil maganda ang pagkakagawa at istorya. Kombinasyon ng kilig, drama, comedy , at may kaunting action ang movie na ito nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na hindi na talaga maawat ang pagsikat at tinatayang pinakasikat na teen actors sa bansa.

At kahit nga nahirapan ako sa haba ng pila ay nag-enjoy naman ako sa panonood nito. Bongga ang acting dito nina Daniel at Kathryn, magaling din sina Richard Gomez at Dawn Zulueta na kahit hindi kahabaan ang role ay napakahusay na actress at marami ang pinaiyak sa loob ng sinehan sa kanyang dying scene.

Sana‘y marami pang ganitong klaseng pelikula ang ipalabas sa mga local theaters sa bansa na kompleto ang rekados at talaga namang mag-e- enjoy kang panoorin at hindi ka mabubwisit. Kaya naman kudos sa Star Cinema for doing this film at sa bumubuo ng SDTG.Congratulations !

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …