Monday , December 23 2024

PNoy, Kris naiyak sa SONA

072914_FRONTpage

NANGILID ang luha at gumaralgal ang tinig ni Pangulong Benigno Aquino III maging ang mga kapatid sa pangunguna ni Kris nang banggitin sa kanyang “speech” ang mga magulang at ang sinabing kanyang mga ipinaglalaban.

Gaya ng dapat asahan inulan ng puna at komento sa social media ang pag-iyak ni Kris at ang pagluha at garalgal na tinig ng Pangulo.

Pero bago ang emosyonal na pagluha at paggaralgal  ng tinig, gaya ng inaasahan, nagmalaki sa kanyang State Of The Nation Address (SONA) si Pnoy.

Ipinaliwanag ni Aquino, sa kanyang panunungkulan, bumaba ang labor strikes sa bansa bilang katunayan dito, isang strike lamang ang naitala sa taon 2013.

Ipinagyabang ng Pangulo, marami na silang naipatayong impra-estruktura sa bansa, kasabay nang pagsasabing nawala na ang “Tong-pats”at korupsyon sa loob ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Hindi rin umano nagpatumpik-tumpik ang kanyang gobyerno nang tumama ang bagyong “Yolanda” sa bansa at agad-agad na nakaayuda sa mga nabiktima nito bagama’t maraming napabalita noon na hindi nakaabot nang maayos sa mga nasalanta ang relief goods at iba pang tulong.

Mistulang tinawag na “kontrabida” sa pag-unlad ng bansa ang lahat ng mga taong tumutuligsa sa Disbursement Accelaration Program (DAP).

Pinuri ng Presidente ang ilan sa kanyang mga gabinete katulad nina TESDA Sec. Joel Villanueva, SILG Mar Roxas at DPWH Rogelio Singson, gayon din si Albay Gov. Joey Salceda ngunit kataka-takang ‘di niya pinuri si DBM Sec. Butch Abad.

MGA BOSS, PAGBABAGO NASA KAMAY N’YO — PNOY

IPINAUUBAYA ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa taongbayan ang pagpapatuloy ng mga nasimulan ng kanyang administrasyon, ito ay kaugnay ng nalalapit na pagtatapos ng kanyang termino sa 2016.

Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), mistulang nagpapaalam na ang pangulo sa pagsasabing isa na lamang ang kanyang natitirang talumpati dahil sa taon 2016 ay pipili na tayo ng mga bagong pinuno.

Ayon sa pangulo, ang sambayanang Filipino ang kanyang boss at tayo rin aniya ang gumagawa ng pagbabago.

“Kayo ang Boss, kayo ang lakas, kayo ang gumagawa ng pagbabago—kaya kayo rin ang magpapatuloy nito,” wika ni Pangulong Aquino. “Iisa lang ang batayan sa pagpili ng papalit sa akin: Sino ang walang dudang magpapatuloy sa transpormasyong ating isinakatuparan? Ito ang aking ika-5 SONA. Isa na lang ang natitira. Sa 2016, pipili kayo ng bagong pinuno.”

NOON AT NGAYON IPINAGBAGO MALAKI

MULING nagpasaring si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at ikinompara ang mga nagawa ng kanyang administrasyon kompara sa kanyang sinundan.

Sa talumpati ng pangulo, ibinida niya na sa kasalukuyan, nag-uunahan ang mga kompanya para magtayo ng impraestuktura sa ating bansa.

Samantala, dati aniya, tayo pa ang nag-aalok para magkaroon ng investors sa Filipinas.

Sikreto aniya rito ang mabuting pamamahala sa bansa.

“Ang mga impraestruktura na matagal nang ipinako sa pangako, atin nang isinasakongkreto,” ani Pangulong Aquino. “Dahil sa mabuting pamamahala, mas may kakayahan na tayong tugunan, maging ang mga problemang paparating.”

146,731 GRADUATES MAY TRABAHO NA

IBINIDA ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang kahalagahan ng Disbursement Acceleration Program (DAP) sa pagsisimula ng kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA).

Tinukoy ng pangulo ang mga nagtapos sa tulong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na binigyan ng pondo mula sa DAP.

Mayroon pang inihandang video si Pangulong Aquino ng ilang TESDA graduates na ngayon ay mayroon nang magandang trabaho.

P2-T 2015 NAT’L BUDGET IHAHAIN SA KONGRESO

TINIYAK ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, sa unang araw ng trabaho ngayong araw makaraan ang kanyang talumpati, ihahain niya sa Kongreso ang panukalang P2.606 trillion budget.

Ang nasabing halaga ay ilalaan para sa 2015 national budget.

1:1 RATIO NG POLICE OFFICER SA PISTOL

INIHAYAG ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang SONA, ang bawat pulis ay mayroon nang government-issued firearms.

“Tuloy ang pagtugis natin sa kalaban ng estado at masamang elemento para sa mga krimeng ginawa nila… Nagbabago na nga po ang mukha ng ating (kapulisan),” ayon sa pangulo.

“Naabot na ang 1:1 police to pistol ratio,” aniya.

2.5-M PINOY NAKAALPAS SA KAHIRAPAN

INIHAYAG ni Pangulong Benigno Aquino III, ang kahirapan noong 2013 ay bumaba ng 24.9 porsiyento mula sa 27.9 noong 2012, sa difference na tatlong porsiyento at tiniyak na itutuloy ng kanyang administrasyon ang tulong sa mga nangangailangan upang makaalpas sa poverty line.

“Ang three percentage points pong ito ay katumbas ng halos 2.5 million na Pilipinong nakaalpas na sa poverty line. Totoo namang dapat pagtuunan nang masusing pansin ang pinakamahihirap sa lipunan pero hindi tayo titigil diyan. Ngayong nadagdagan ang kakayahan natin sinisisikap nating hindi na manumbalik sa ilalim ng poverty line ang lahat ng nakaalpas na.”

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *