Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-ama todas sa adik na rapist

KAPWA wala nang buhay nang matagpuan ang isang mag-ama sa isang liblib na lugar ng Brgy. Niugan, bayan ng Angat, lalawigan ng Bulacan, makaraan tadtarin ng saksak ng hinihinalang adik na rapist sa nabanggit na lugar.

Kinilala ang mga biktimang tadtad ng saksak sa kanilang katawan na si Arnel Nieves, 50, anak niyang si Michelle Nieves, 26, kap­wa residente ng Brgy. Donacion sa nabanggit na bayan.

Habang kinilala ng isang saksi ang suspek ngunit pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan pabor sa isinasagawang follow-up operation ng mga awtoridad.

Sa imbestigasyon ni PO3 Eduard Oceña, pauwi na ang biktimang babae sakay ng minamanehong bisikleta dakong 10 p.m. nang harangin ng suspek sa isang madilim na bahagi ng daan, sapilitang dinala sa isang liblib na lugar at doon hinalay.

Nagkataong nag-aabang pala ang ama sa pag-uwi ng anak at naulinigan ang sigaw ng anak kaya agad pinuntahan.

Ngunit sinalubong siya nang sunod-sunod na saksak ng suspek at pagkaraan ay nagmamadaling tumakas.

(DAISY MEDINA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …