Sunday , November 3 2024

Juday at Ryan, ayaw nang magtapatan!

 

072914 juday ryanni Roldan Castro

AYAW na pala nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na  magkatapat ang kanilang mga show.

Dati kasi ay magkalaban ang Picture! Picture! at ang Bet On Your Baby ni Juday.

“Hindi na siguro kami papayag this time around! It was a condition that we spoke about. Na parang, ‘Once is enough!’Parang nagkataon lang na ako, to be honest, kinailangan ko lang talagang magkatrabaho noon, ‘di ba? Because I didn’t do anything, so one time okay na yun. Pero next time, napag-usapan namin ni Juday, should we come back with opposing shows again, siguro ako or siya will have to side step ng kaunti, ‘di ba? Huwag naman ‘yung direktang tapatan,” sambit niya sa isang panayam.

“Tama na ‘yung isang sayang ganoon. Magastos eh, kasi tuwing Sabado ng gabi kumakain kami sa labas, para hindi kami manood ng TV sa bahay,” bulalas pa niya.

Noong kasagsagan ng brown out ay inaway pala ni Juday ni Ryan dahil ayaw pa itong bumili ng generator. Kadalasan kasi ‘pag walang ilaw ay nagche-check in sila sa hotel. Noong matagalan na walang ilaw ay nag-stay na sila sa isang hotel sa Alabang. Hindi raw nila nasolo ni Juday ang kuwarto kaya hindi nagkaroon ng chance na sundan si Lucho.

”Walang naganap sa brown-out! Ayaw humiwalay ng mga bata. Kaya nga two-bedroom sana roon sila sa kabilang kuwarto, eh ayaw, hindi nagpakawala,” tumatawa niyang kuwento.

Talbog!

ROCCO, PINURI NI DIREK JUN ANG LALIM NG PAG-ARTE

TODO-PURI si Direk Jun Urbano kay Rocco Nacino dahil may lalim daw umarte sa pelikulang Ibong Adarna: The Pinoy Adventures. Parang hindi raw baguhan at nakakasabay sa mga magagaling na cast ng pelikula gaya nina Angel Aquino, Joel Torre, Ronnie Lazaro, Leo Martinez, , Benjie Paras, Lilia Cuntapay atbp..

“I’m proud dahil ako ang gumawa ng ikaapat na version,” ani Urbano aka Mr. Shooli. “It’s  an honest to  goodness sincere film. It’s worth viewer’s hard-earned money. I hope that it’s audience, especially the students will feel like they are watching the adventure movie ‘Indiana Jones’.

Ang Ibong Adarna ay unang naipalabas noong 1939 sa direksiyon ni Victor Salumbides na pinagbidahan nina Fred Cortes at Mila Del Sol. Ang namayapang ama ni Urbano na si Manuel Conde ang nagsilbing technical supervisor. Gumawa naman ng isa pang remake (in full color) si Conde noong 1955. Isa pang bersiyon ang ipinalabas noong 1972—si Pablo Santiago ang director, sina Dolphy at Rosanna Ortiz naman ang nagbida.

Nakatanggap si Urbano ng endorsement ng Department of Education, para ilibot ang Ibong Adarna: The Pinoy Adventure sa mga eskuwelahan at unibersidad simula ngayong Agosto dahil nakatanggap siya ng  endorsement  ng Department of Education. Magkakaroon naman ito ng Premiere Night sa September 29 sa SM Megamall Cinema 9 sponsored  ng National Press Club sa pamumuno ni President Joel Egco.

Ayon kay Urbano, ang bagong bersiyon ng Ibong Adarna na kanyang isinulat kasama si Angelo Hernandez ay naaayon sa panlasa ng kabataan.

“Imbes na sultan, ginawa kong hari. Mayroon din itong nuno sa punso, aswang at Haribon or Philippine eagle,” bulalas pa niya.

Ayon kay Urbano, naging malaking balakid sa kanya ang paghahanap ng backdrop para sa pelikula. “Ang kuwento ay nangyari bago pa masakop ng Espanol ang Pilipinas. Nakahanap kami ng naaayong lugar sa lake Pandi ng San Pablo, Laguna. Ginawa namin itong kaharian ng sultan.

“The place is very colorful. Kami rin ay nagpunta sa Banawe Rice Terraces. Ang mga eksena sa baybaying dagat ay kinunan  sa Calatagan, Batangas.”

Nakarating din sila sa Tanay, Rizal at Quezon Province kaya mapapanood talaga ang mga magagandang tanawin sa pelikula.

Naging mabigat na pagsubok din kay Urbano ang komplikadong proseso ng paggawa ng computer graphic images o CGI. “Umabot kami ng halos kalahating taon para makompleto ang animated Haribon, ang higante at ang nuno sa punso,” sabi niya.

Hindi rin matatawaran ang mga kasuotang ginamit sa pelikula. “They are all authentic. Karamihan ay kinuha pa namin sa Mindanao. Ang peg namin ay ang mga makukulay na kasuotan ng mga T’boli sa South Cotabato,” ani Urbano. Kinuha rin niya ang batikang production designer na si Joey Luna para sa pelikula.

Ang Ibong Adarna ang sagot ni  Urbano sa mga manonood na naghahanap ng makabuluhang pelikula. “People just need to know there’s such a film,” sabi niya. “ I hope audience will appreciate it  and that it will make profit. In show business, you mount a show not only to entertain the audience but also to make business.”

‘Yun na!

About Roldan Castro

Check Also

David Charlton Davids Salon

David Charlton pumanaw na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKIKIRAMAY din kami sa pagyao ni sir David Charlton, founder at CEO …

Kim Chiu

Kim Chiu bagong calendar girl ng Tanduay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MUKHANG si Kim Chiu nga ang sinasabing bagong calendar girl ng Tanduay Rhum …

John Wayne Sace Vilma Santos

Vilmanians nalungkot sa krimeng kinasangkutan ni John Wayne Sace

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NALULUNGKOT ang mga kapwa Vilmanian na nagkuwento sa amin hinggil sa kinakaharap na …

Kris Aquino

Kris magpagaling muna, delikado ang maglabas-labas

HATAWANni Ed de Leon NATAWA kami roon sa kuwento, gusto pa raw sumama ni Kris Aquino sa …

Vilma Santos Luis Manzano

Luis matatangay ng lakas ni Ate Vi

HATAWANni Ed de Leon SI Luis Manzano ang laging kasama ngayon ni Vilma Santos sa mga kampanya. Natural iyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *