HERE comes the Pain!! ‘Pag sinabing Papin, Imelda ang nasa isip natin lalo’t may titulong Asia’s Queen of Sentimental song at alam na natin ang kalibre bilang singer at recording artist.
Sa ngayon medyo pasulpot-sulpot lang siya at hindi gaanong active sa arangan ng musika, maliban na lang sa mga imbitasyon ng mga taong hindi niya natatanggihan. Dumalo siya sa Back and Faith.
Si Imelda at kanyang pamilya ay may negosyo sa Tate at halos lahat ng kaanak niya, ang mga Papin ay nasa US na. Ang mga kapatid na sina Gloria at Aileen at anak na si Maffi ay magaling din kumanta.
Pangarap ng mga parent nina Mel, Aileen, at Gloria na sina Papay Rosendo at Mamamy Justina na magkaroon silang tatlo ng album at mag-concert. Pero ‘di ito natupad dahil two years ago yumao si Papay Rosendo at last month namatay si Mamay Justina. Pero pagbibigyan nila ang dream ng kanilang parents na magkaroon ng album at mag-concert.
Mauuna ang concert at ang kikitain dito ang ipangpo-produce ng album. Bago mag-Christmas sa Resorts World Manila gaganapin kaya ngayon pa lang, after 40 days kamatayan ni Mamay Justina, ay sinisimulan ng kausapin ni Mel ang mga taong concert ang forte, ganoon din ang venue dahil unahan ngayon sa mga lugar na dausan ng mga event sa panahon ng Yuletide.
Ang title ng concert nila ay Papins, In Concert tampok ang tatlong original na mang-aawit na sina Mel, Gloria, at Aileen plus ang mga young Papins na mga kaanak nila at pawang magagaling kumanta.