MAHALAGA ang disenyo at lokasyon ng banyo. Tumatagas sa banyo ang enerhiya, gayundin ay madaling makabuo ng lower vibrations, kaya magsumikap na na ma-recreate ito bilang beautiful bathroom na magdudulot ng healing, calming feng shui energy patungo sa buong bahay.
Ang tubig ay perfect natural relaxer at feng shui purifier, kaya kung idadagdag dito ang tamang feng shui elements at materials ay makabubuo ng soothing space para sa iyo.
Subukan ang feng shui tips na ito para sa inyong bathroom.
*Maglagay ng visuals na magdudulot sa iyo ng good feng shui energy.
*Maglagay ng salamin para sa iyong kasiyahang mapagmasdan ang iyong sarili, gayundin ay magdudulot ng presensya ng feng shui water element.
*Maglagay ng dagdag pang liwanag, kabilang ang mga kandila.
*Ang tray ay mainam kung nais mong umiinom habang naliligo
*Ang tamang bango ay mahalaga rin, maaaring pumili sa calming or invigorating, romantic o cleansing scents/oils. Dapat ding tandaan na mahalaga rin sa healthy bathroom ang proper ventilation.
*Panatilihing warm ang lugar.
*Mainam ding makinig ng musika habang naliligo.
*Mag-relax sa iyong little spa para sa panibagong sigla at lakas.
Kaunting effort lamang at makabubuo ka na ng sarili mong feng shui sanctuary na magpapagaan sa iyong isipan, magpapaalis ng stress at magdudulot ng mainam na pananaw sa buhay.
Lady Choi