ni Alex Brosas
HINDI lang pala si Dingdong Dantes ang tumawag kay Noel Ferrer nang masulat nito na ang dance show ni Marian Rivera ay LUMA na at WALANG RELEVANCE sa kasalukuyang panahon.
Kung nasaktan si Dingdong sa panlalait sa show ng kanyang dyowa ay labis na na-hurt yata ang executive ng Siete na si Lilybeth Rasonable at tinawagan din niya si Noel.
A source told us na ipinaalam ni Lilybeth kay Noel na ginagawan na ng paraan para mag-improve ang dance show ni Marian.
Nakakatawa, ‘di ba? Imagine, tumawag talaga ang isang top executive just to say na ginagawaan na nila ng paraan na pagandahin ang show ng Primetime Queen kuno nila.
Obviously, affected much ang mga executive ng Siete sa pag-FLOP ng show ni Marian. Hindi lang siguro nila maamin na talagang wala ng magic ang kanilang Primetime Queen kuno, na kahit na anong gawin nito ay FLOP lahat ng project niya.
Kasi naman, bakit hindi magpakatotoo. LAOS na ang beauty ni Marian. Wala na siyang nagki-clik na project, ‘no! In denial pa ba kayo?