Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 45)

KAHAHANAP NG MATITSIBUGAN NAKALIKAW NI LUCKY ANG BUHAY-DIVISORIA

Kitang-kita namin nina Jay at Ryan na nasapol sa hita ang binaril. Paupong bumagsak sa bangketa. Umaaringking habang hawak ang sugatang hita.

“T-Tata, bakit mo naman ako binaril agad? ‘Di ba dapat, e, warning shot muna?” reklamo ng snatcher.

“Warning-warning shot ka pa r’yan… Pag-aaksaya lang ‘yun sa bala,” ang paasik na sa-got ng pulis.

“ B-Buti na lang, ‘Tang, at sa hita mo ‘ko pinuntirya… P-pa’no kung sa ulo?… Siguro, e, dedo na ako ngayon,” paghihimutok pa ng kawatan sa les-pu.

“Ulul! Sa ulo talaga kita pinatatamaan! Hmp!” ang sabi ng pulis na napakagat-labi.

Napanganga si Jay sa pagkadesmaya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad-lakad sa paghahanap ng mura-murang makakainan. Sa kahabaan ng Recto kami napadpad. May mga nagtitinda roon sa kariton ng fishball at kikiam, maming gala, goto at kung ano-ano pang pangkaing-kalye. Nakapwesto naman sa gilid-gilid ng bangketa ang mga nagtitinda ng sari-saring klase ng meryenda, kanin-ulam at bentelog.

“Du’n na lang tayo tsumibug…” pagtuturo ni Ryan sa isang tapsilogan.

“Sige, tena…” pagsang-ayon ni Jay.

Napagawi kaming tatlo sa Divisoria area. Mas makapal na ang tao sa aming paligid. Hindi ka pwedeng magmadali sa paghakbang dahil makababanggang-balikat mo ang kasalubong. At sa unahan mo naman ay kay bagal-bagal ng usad ng mga nasusundan mo. Kasi ba naman, ang tinatawag na mga sidewall vendor ay hindi lang sa bangketa naglalatag ng kanilang paninda. Nasa gitna na rin sila ng kalsada. At naroroon na yata ang lahat: gulay, karne, isda; damit-pambabae at panlalaki (pambata at pangmatanda); gamit sa eskwela at opisina; iba-ibang tatak ng cellphone at mga aksesorya; at kung ano-ano pa. Kaya naman nabanas ako sa lugar na nasuungan namin.

Noon ko napansin ang isang lalaki na parang babaing buntis ang tiyan sa kalakihan. Nakaputing t-shirt at may nakaumbok na bagay sa baywang, sa kada vendor na lapitan ay naglalahad ng palad. Kitang-kita kong tig-bente at tig-singkwenta pesos ang kinokolekta sa bawa’t isa. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …