Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dapat lang na gantimpalaan si Lee

SI Pau Lee nga kaya ang pupuno sa puwestong binakante ni Larry Fonacier sa line-up ng Gilas Pilipinas para sa World Championsip sa susunod na buwan?

Maraming nagsasabi na bunga ng kanyang kabayanihan sa FIBA Asia Cup sa Wuhan China kamakailan ay malamang na si Lee na nga ang ilagay ni coach Vincent “Chot” Reyes sa puwesto n Fonacier. Maaalalang nagpasok ng tatlong free throws si Lee sa dulo ng laro kontra host China upang makamit ng Gilas Pilipinas ang ikatlong puwesto.

Nararapat lang marahil na gantimpalaan si Lee.

Pero si Lee mismo ang nagsabing hindi siya shoo-in para sa Gilas Pilipinas. Walang shoo-in.

Malalaman lang daw ang final line-up kapag nasa Spain na sila at ilang araw na lang ay mag-uumpisa ang torneo.

Kaya naman lahat ng mga nasa pool ay magsisikap nang husto.

Actually, lahat ng mga nasa pool ay isinama sa Estados Unidos para sa training. Lahat ng nasa pool ay isasama sa Europe training  din. lahat sila ay tutulak sa Spain.

Ang mga himdi mapapabilang sa official line-up para sa World Cup ay magiging supporters ng koponan.

Sa totoo lang, kung puwesto ni Fonacier ang pag-uusapan, aba’y kayang-kaya itong punan ni Lee. mas bata si Lee at mas maraming magagawa.

Siguro mas deadly nga lang sa three-point area si Fonacier.

Pero mas malakas ang katawan n Lee. At puwede rin siyang emergency point guard ng Gilas Pilipinas.

Anuman ang mangyari, sino man ang pumalit kay Fonacier, masaya na si Lee sa pagiging miyembro ng pool ng Gilas Pilipinas.

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …