SA panayam sa Juan Direction member na si Daniel Marsh, na napapanood sa One of the Boys sa TV5, hinggil sa insidenteng diumano nito sa isang taxi driver, sinabi ng boyfriend ni Eula Caballero na willing naman itong makipag-usap at makipag-ayos kay Mang Edward Villanueva.
Naibahagi na rin ng nasabing taxi driver na isa raw lay minister at miyembro ng Knights of Columbus sa mga naikutan na niyang radio at TV station ang parte niya ng istorya.
Na sumakay sa kanya from the Fort si Marsh, nagpahatid sa Mandaluyong at sinabi raw sa kanya na wala iyong pera. Pero nang makarating naman sila sa lugar nito pumatak ng P78.00 ang metro.
Pero dahil umano naka-inom daw si Marsh, pagbaba nito eh pumunta sa side niya at hinagis ang P100. Sinipa raw ang pinto sa side niya, pati na likuran. Nang bumaba raw siya eh hineadbutt siya nito.
Sa punto naman ni Marsh, sinabi nitong si Manong ang unang bayolente. Hindi nga raw nito agad ibinaba ang metro. At hinihingan daw siya ng P500 samantalang sinabi na nga niyang wala siyang pera at nanghiram lang sa kaibigan.
Handa si Manong na idemanda si Marsh!
Saang direksiyon ito hahantong? (Sa huling ulat ng TV5, pinagbati na ni Raffy Tulfo sa pamamagitan ng kanyang Wanted sa Radyo sina Daniel at taxi driver kaya tiyak na wala nang demandahang magaganap—ED).
IBONG ADARNA, MULING MATUTUNGHAYAN HANDOG NG NPC
MULI na naman naming namulatawan si direk Jun Urbano o ang mas nakagiliwan naming si Mr. Shooli sa Mongolian Barbecue sa mahabang panahon.
Ibinalik ni direk Jun sa kamalayan ng mga manonood ang ikaapat na bersiyon ng Ibong Adarna na unang ipinalabas noong 1939 sa direksiyon ni Victor Salumbides na ang kanyang amang si Manuel Conde ang technical supervisor. At noong 1955 gumawa ng remake in full color ang kanyang ama. Taong 1972 nang muli itong gawin ni Pablo Santiago na sina Dolphy at Rosanna Ortiz ang mga bida.
At sa bagong bersiyon nito ngayon, ang Ibong Adarna: The Pinoy Adventure iniayon niya ang istorya sa panlasa ng mga kabataan na plano niyang ilibot sa mga eskuwelahan at unibersidad. Naglabas na ng panukala ang Department of Education sa pagsuporta nito sa pelikula.
Idaraos ang premiere ng Ibong Adarna sa September 29, 2014 at 6:00 p.m. sa SM Megamall Cinema 9 in cooperation with the National Press Club of the Philippines.
The movie stars Rocco Nacino, Joel Torre, Angel Aquino, Leo Martinez, Benjie Paras, Lilia Cuntapay, Gary Lising, Ronnie Lazaro, Pat Fernandez, Karen Gallman, Kuhol, at Andrew Bon Lentejas.