SINUNOG ang effigy ni Pangulong Benigno Aquino III ng mga militanteng grupo na kabilang sa mahigit 7,500 kataong dumalo sa rally kontra State Of the Nation Address (SONA) sa Commonwealth Avenue, Quezon City. (RAMON ESTABAYA)
UMABOT sa pitong raliyista ang inaresto kasunod ng komprontasyon ng mga pulis at demonstrador sa Commonwealth Avenue, Quezon City Monday kahapon, habang isinasagawa ang SONA ni Pangulong Benigno Aquino III.
Ang pito ay dinala sa Quezon City Police District headquarters sa Camp Karingal.
Ang kaguluhan ay naganap nang magpumilit ang mga raliyista na makapasok sa barrier kaya gumamit ng water cannons ang mga pulis.