MAY benepisyo din ang kampanya sa pagpapatuli sa kalalakihan para labanan ang banta ng HIV, ayon sa pag-aaral na isinumite sa world AIDS forum kamakailan.
Sa South Africa, ang malaking bilang ng mga lalaki ay tuli, nagtala lang ng 15 porsyentong risk ng human immunodeficiency virus (HIV) ang kababaihang nakikipagtalik sa mga lalaking nagpatuli.
“Maliit lang ang risk reduction subalit maituturing nating magandang simula,” pahayag ni Kevin Jean ng National Agency for AIDS Research (ANRS) ng bansang France.
Isinumite ang pag-aaral sa huling araw ng ika-20 International AIDS conference sa Melbourne, Australia.
Inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) ang boluntaryong circumcision bilang opsyon para sa kalalakihan sa 14 na bansa sa sub-Sahara na may matataas na bilang ng kaso ng HIV.
Ang guidelines—na nagbunsod sa multimilyong dolyar na programa—ay naitatag sa ebidensyang nagmula sa tatlong pagsubok sa South Africa, Kenya at Uganda. Ang naging konklusyon nito ay nabawasan ang HIV risk bilang resulta ng pagpapatuli—para sa mga lalaki—sa pagitan ng 50 hanggang 60 porsyento.
Kinalap ni Tracy Cabrera