Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trillo assistant coach na ng Meralco

BALIK sa pagku-coach sa PBA ang dating head coach ng Alaska Milk na si Luigi Trillo pagkatapos na kunin siya ng Meralco bilang bagong assistant coach ni Norman Black.

Sa kanyang Twitter account noong isang gabi, kinompirma ni Trillo na makakasama na niya sina Ronnie Magsanoc, Patrick Fran, Xavier Nunag at Gene Afable bilang mga assistants ni Black na papalit kay Ryan Gregorio sa paghawak ng Bolts simula sa susunod na PBA season.

Bukod dito ay team manager na ng Meralco ang kapatid ni Trillo na si Paolo.

Kusang nagbitiw si Gregorio bilang coach ng Meralco upang maging executive ng kompanya.

Si Jong Uichico naman ay pumalit kay Black sa paghawak ng Talk n Text na sister team ng Meralco.

Bago siya nakuha ng Meralco ay sandali lang naging TV commentator si Trillo noong katatapos na PBA Governors Cup Finals para sa Sports5.

“A lot of good coaches have done it (broadcasting) but it’s not bad to stay with the game. I love commentary but my passion is coaching,” wika ni Trillo. “As far as I know, Ronnie Magsanoc is the first assistant coach but I’m willing to help Norman and his staff in any way I can.”

Matatandaan na sinibak ng Alaska si Trillo sa unang bahagi ng Governors Cup dahil umano sa hindi niya pagkakasundo sa ilang mga manlalaro ng Aces at pinalitan siya ni Alex Compton na gumabay sa koponan sa semis.

Dinala ni Trillo ang Alaska sa titulo ng Commissioner’s Cup noong 2013 ngunit pagkatapos ay hindi umabot ang Aces sa semifinals kaya sinibak siya.           (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …