Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Riding snatcher bugbog-sarado sa taong bayan

KINUYOG ng taong bayan ang isang messsenger nang sumemplang sa motrosiklo pagkatapos hablutin ang bag ng isang babae sa Malate, Maynila.

Nakakulong sa Manila Police District- Station 9, ang suspek na si Fernando Cardeno, 40, messenger, ng 546 Malolos St., Barangay Olympus, Makati City .

Ayon kay PO1 Michael Gallardo, nadakip ang suspek nang sumemplang ang motor na kabyang sinasakyan kasunod ng pagdumog at pambubugbog ng taong bayan P. Ocampo St.

Hawak ng suspek ang bag ng babaeng biktima na nang mabawi ay hindi na nagpakilala at nagreklamo sa pulisya.

Nahulihan ang suspek ng kalibre .38 baril na nakasukbit sa kanyang baywang.

May hinala ang pulisya na ang suspek ay responsable sa mga serye ng snatching at holdapan sa nasabing lugar.

Kasong paglabag sa R.A. 8294 o illegal possession of firearams and explosives, at R.A. 4136 ng LTO Code o driving without license ang isasampa laban sa suspek. (LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …