Saturday , November 23 2024

PH-MILF final peace deal tampok sa 5th SONA

072814 rali pnoy sona

SUMUGOD sa Times St., malapit sa bahay ni Pangulong Noynoy Aquino ang grupo ng Bagong Alyansang Makabayan bilang pagpapakita ng babala kay PNoy na dapat na totoo at hindi papogi lamang ang gagawing talumpati sa kanyang SONA ngayong araw. (ALEX MENDOZA)

TAMPOK sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ngayong araw ang nilagdaang Final Peace Agreement ng gobyerno ng Filipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Magugunitang sa nakaraang SONA ni Pangulong Aquino, ibinida niya ang pagkakalagda ng Bangsamoro Framework Agreement noong Oktubre 2012 na siyang malaking ‘breakthrough’ sa peace process sa Mindanao.

Dito inihayag ng Pangulong Aquino ang kanyang kompiyansang uusad na hanggang malagdaan ang peace agreement sa MILF at maipapasa ang Bangsamoro Basic Law bago matapos ang 2014.

“Umaasa po ako sa pakikiambag ng bawat Filipino sa layunin natin para sa Bangsamoro. Ipakita po natin sa kanilang hindi sila nagkamali sa pagpili sa direksyon ng kapayapaan; ipamalas natin ang lakas ng buong bansa upang iangat ang mga probinsya sa Muslim Mindanao, na kabilang sa mga pinakamaralita nating mga lalawigan,” ani ng Pangulong Aquino sa kanyang ikaapat na SONA noong 2013.

Hindi nabigo si Pangulong Aquino dahil noong Marso 27, 2014, nilagdaan ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro kasama sina MILF chairman Al Haj Murad.

Dito kapwa tiniyak ng dalawang lider ang kanilang commitment para makamit ang ganap na kapayapaan sa Mindanao at mabigyan ng tsansang lumago ang buhay ng mga Bangsamoro base sa kanilang mga prinsipiyo, paniniwala at kultura.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *