Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pag-amin ni Fifth na bisexual, ikinagulat ng kabanda

071814 FIFTH pagotan PBB

ni John Fontanilla

NAGULAT ang dating mga ka-boyband (Dance Squad Singers) ni Fifth (Bobby Solomon ) sa ginawang pag-amin nito sa kanyang gender (bisexual). Hindi raw inakala ng mga ito na pusong babae /pusong lalaki ang kanilang kagrupo.

Tsika ni Benjamin De Guzman (Star  Magic talent), isa rin sa miyembro ng Dance Squad Singers at malapit kay Bobby, ”Nagulat ako! Kasi hindi ko alam na bisexual siya. Matagal-tagal din kami nagsama kasi magka-member kami pero hindi namin nahalata na ganoon siya.

“Sa grupo kasi medyo tahimik lang siya, masayahin at ‘yun nga katulad ng sabi niya mahilig mag-request, pero astig din ‘yan kapag may gusto siyang suggestion ipaglalaban niya ‘yun kapag alam niyang makagaganda sa grupo.

“Very perfectionist kasi siya, gusto niya maganda lagi ang performance namin, kaya lagi siyang nagsa-suggest.

“Pero ‘pag hindi napagbigyan ‘yung suggestion niya tumatahimik na lang siya at hindi namin makakausap ha ha ha.

“Magkaibang-magkaiba sila ng kambal niya kasi ‘yung kambal niya (Fourth) go with the flow lang at siya ‘yung vocalist namin.

“Pero walang nag-isip sa amin na bisexual siya, nakikita namin na medyo malambot siya pero hindi namin iniisip na ganoon siya kasi hindi naman siya nagpapakita sa amin na bisexual siya.”

Pero kahit na nga umamin ito na isa siyang bisexual ay hindi naman daw mababago ang pakikitungo niya kay Fifth. Napabilib nga siya nito sa ginawang pag-amin, hindi raw kasi lahat ng tao ay may ganoong klaseng guts na aminin on national television kung ano ka talaga. Kaya naman  saludo ito sa dating kabanda dahil hindi ito nagdalawang-isip na isambulat sa lahat ang totoong gender.

Dagdag pa ni Benjamin na sana ay maging inspirasyon si Fifth ng iba pang hindi maamin kung ano at sino sila at makayanang aminin din ang tunay nilang pagkatao dahil doon sila sasaya at mabubunutan ng tinik sa kanilang dibdib. ‘Yun na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …