ni Alex Brosas
KINUNTSABA ni Matteo Guidicelli ang friends ni Sarah Geronimo in and out of showbiz para dumalo sa surprise birthday party ng girlfriend. Talagang nag-effort siya at galante ang lolo mo, ha. Siya ang gumastos ng lahat from balloons to food to drinks to birthday cake.Kasama sa mga um-attend sa party sina Judy Ann Santos, Nikki Gil, Vicki Belo, Rowell Santiago, Christian Bautista, Mark Bautista,dance instructor Georcelle of G-Foce at marami pang iba.
Kitang-kita ang saya sa mata ni Sarah. It was her first birthday with her boyfriend Matteo.