NAGUGULUHAN talaga kami sa Barretto sisters, at least mas tahimik si Gretchen. Sana itong mag-inang Marjorie at Julia maiba naman sawsaw na rin sila.
Isipin mo na lang na ipinatatanggal ni Marjorie ang apelyido ni Dennis Padilla na Baldivia, stick to Barretto na lang na apelyido ni Marjorie, parang lumalabas na putok sa buho, anak sa pagkadalaga si Julia. Anyway, hindi natin alam kung gaano kalalalim ang problema nina Marjorie at Dennis. Sabagay noon pa namin naririnig ang money problem sa mag-asawa.
Ang babae ang may trabaho, pero hindi naman siguro dahilan ‘yun para alisin mo ang apelyido ng asawa mo na apelyido na ng anak mo since birth. Kasi kawawa naman ang mga bata. Okey lang sa mga bagets pa at hindi pa pumasok sa school. ‘Yun lang!!!!!!