Wednesday , December 25 2024

Kumusta Ka Ligaya (Ika-3 labas)

NANG MAWALA ANG DYIPNI KUNG SAAN-SAAN NA LANG NATUTULOG SI LIGAYA AT DONDON

“Maagang namalengke si Inay nang araw na ‘yun at ako naman ay nahihimbing pa ng tulog. Nagising ako nang may bigat na dumagan sa akin. Gusto pala akong reypin ng walanghiyang ka-live in ng na-nay ko. Buti na lang at naisip ko agad na tadyakan siya sa bayag. At mabilisan akong lumabas ng aming bahay…

“Pagdating ni Inay ay nagsumbong agad ako sa kanya. Pero sa halip na giyerahin ang step father ko ay mas pinaniwalaan pa niya ang kasinungalingan nito. Kesyo natukso lamang daw ito dahil sa nilandi-landi at pinagpakitaan ko ng motibo. Noon ako naglayas sa amin… noong magkabanggaang-balikat tayo sa overpass ng Central Market dahil wala ako sa sarili habang naglalakad.”

Biglang napatawa nang malakas si Dondon.

“Ako naman nang araw na ‘yun ay mahilo-hilo sa sobrang gutom… Walang-wala kaya hindi pa ako nakapag-aalmusal at nakapanananghalian noon,” aniya sa pagbabalik-gunita.

“Tapos, lagi na tayong nagkikita sa mga tapunan ng basura sa erya ng Sta. Cruz,” ngiti naman ni Ligaya.

“Tapos, naging magkakilala at magkaibigan tayo…” dugtong ni Dondon.

“At niyaya mo akong tumira du’n sa inuuwian mong sirang dyip,” ang masayang alaala ng dalagita.

Mula sa dating tinutulugan na sirang sasakyan ay kung saan-saan na lamang namamahinga sina Dondon at Ligaya sa pagsapit ng gabi. Sa gayon nilang kalaga-yan, kadalasan ay iba’t ibang klase ng mga kapwa batang kalye ang nakakasalamuha nila sa araw-araw. Kalimitan ay mga salbahe at pilyo. At mayroon pang mababangis na parang hayop.

Hindi madali ang mabuhay sa lansa-ngan, problema pati paliligo at pagtutuwaran sa pagbabawas ng dapat ilabas na galing sa tiyan. Naroong bagansyahin ng mga tauhan ng pulisya ang mga batang kal-ye na nagkalat sa gabi. At may mga pangkakataon pang pinagdadampot sila ng mga taga-DSWD na mahilig magpakuha ng larawan sa mga press photographer.

Isang araw ay nagpasama kay Dondon si Ligaya sa tindahan ng ukay-ukay sa Bambang. Bumili ang dalagita ng isang pirasong T-shit at pantalong maong.

“Ilang buwan ko rin munang pinag-ipu-nan ito,” sabi ni Ligaya, yakap sa paglalakad ang supot na plastik na kinalalagyan ng mga damit-ukay-ukay.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *