ni Vir Gonzales
MARAMI ang humuhula na makaaapekto tiyak kay Julia Barretto, kung talagang tatanggalin ang apelyido ng ama sa kanyang pangalan.
Imagine raw, pa-sweet image ang role, maramdamin, malungkutin, pero sa amang tatanggalan ng karapatan okey lang sa kanya?
Sinong tagahanga ba ang sasamba sa kanyang popularidad kung magkakaganito ang situation? Sino raw ba may pakulo ng gimmik na ito? Tiyak na negatibo ang buwelta nito sa publiko?
Mabuti pa nga si Meagan Aguilar, hanggang maaga humingi ng sorry sa ama.