NATAPOS ANG BIRTUD NG PUTING PANYO NI TATA KANOR KAY NINGNING
Napailing-iling na lang ako.
“Ano sa palagay mo, Atoy… Sira-ulo na si Boying, ano? Dapat na ba tayong tumawag sa Mental Hospital?
Dinaig ko si Joker sa pelikulang Batman sa pagtatawa nang pahagikgik. Pero ipagtatapat ko rin naman kay Ningning ang dapat malaman kay Boying at tungkol sa kwentong-anting-anting.
Flashback
Nagpatuloy ang barkadahan namin nina Jay at Ryan. Madalas pa rin ang aming pagkikita-kita kahit naka-graduate na kami ng high school. Nang minsan kaming mamasyal sa Maynila ay nabanggit ni Ryan na HRM ang kukunin niyang kurso sa pagkokolehiyo. Criminology daw naman si Jay.
“Magpupulis ako…” ang sabi niya sa pagliliyad ng dibdib.
Tapos ay nagkwento siya sa amin ni Ryan ng ilang magagandang esksena sa “Robo Cop” at “Judge Dredd” na pareho niyang paboritong pelikula.
“Bakit mo naman gustong maging pulis?” naitanong ko.
“Ang pulis kasi, e, mala-super hero sa mata ng publiko. Kinatatakutan at iginagalang pa,” katuwiran ni Jay.
“Parekoy, hindi na gayon ang image nga-yon ng mga les-pu,” sabat ni Ryan.
“Pero sa hanay nila ay meron pa rin na-mang good cops…” salag ni Jay.
“Posible… Pero ilan kaya ‘yun?” sundot pa ni Ryan.
“Basta’t magpupulis ako…At mapapabilang ako sa mga good cops pagka-graduate ko ng Criminology,” ang matatatag na desisyon ni Jay.
Noong bakasyon ng mga eskwela, kaming tatlong dabarkads ay kung saan-saan nakararating para mamasyal at magpalipas-oras. Paborito namin ang matataong lugar gaya ng mga parke at mall. Doon kami nagsa-sightseeing ng magaganda at seksing bebotski.
Kalalabas lang namin nina Jay at Ryan sa isang mall sa Carriedo nang makarinig kami ng malakas na tili ng isang seksing bebotski.
“Snatcher, harangin n’yo” ang sigaw ni Seksi.
Ang pulis na naparaan lamang doon ay agad naman nagresponde. Bitbit ang service firearms na kalibre kwarenta’y singko ay ura-urada nitong tinugis ang kawatan. At nang makakuha ng magandang tiyempo agad-agad nagpaputok ng baril. (Itutuloy)
ni Rey Atalia